Dumarami ang "Social Networking Sites"...Anak ng tipaklong, pang isang daan at tatlumpu't pitong tanong na ata ito sa araw na ito..."may facebook ka ba?" Minsan sinasagot ko wala, minsan sasabihin ko meron pero di ko pwede ibigay, minsan naman sasabihin ko...ano yun? nakakain ba yun?...'yeta, yan na ba talaga ang uso ngayon? at kapag wala kang facebook account ay nangangahulugang Abnormal ang buhay mo at dapat ka ng magpatiwakal at magbikti sa puno ng Parichipakpak.
Kanina lang may kausap akong isang taong banyaga...akalain mo daig pa ang nanalo sa "Kakasa ka ba sa grade five?" Nagtanong si kano: Do you have a facebook account? bwahahaha...sa isip ko gusto ko rin siyang tanungin "Tuli ka na ba?" Walastik talaga itong mga nagimbento ng mga kagimbal gimbal na "Website" na ito na kinaaadikan ng lahat...ang pagkakaalam ko eh pinagaawayan pa kung sino talaga kanila Aaron Greenspan o Mark Zuckerberg ang totoong nakatuklas at gumawa ng Facebook. Dati ang alam ko lang ay "Friendster", "MySpace" o "Multiply"....pero ngayon kakaiba humatak ng deboto itong Facebook pati si "Lola Techie" napa BOOGIE sa dami ng friends niya sa Facebook.
Halos lahat talaga ng tao ngayon ay nahuhumaling na sa "World Wide Web" may mga iba na hindi na halos maka-kain at nakakalimutan ng matulog para lang mag-update ng kung ano anong klase sa kanilang mga account...madalas mag-update ng Facebook. Haaay...noong panahon nila Lola at Lolo kailangan mong sumipot sa sayawan sa Bayan upang magkaroon ng kakilala...yun tipong magiging Nobyo o Nobya mo sa kabilugan ng buwan. Ngunit ngayon isang upuan mo lang sa Computer shop at basta may dala kang bente pesos (P20) ay sakto na...may makikilala ka na, makakapili ka pa kung anong lahi ang gusto mong makatuluyan.
Minsan iniisip ko kung ano na ang mangyayari sa mundo kung lahat ay gagawin na lang sa pamamagitan ng "Social Networking Sites" Siguro kapag nangyari yun..hindi na tayo mangangailangan pang mangamba sa paglaganap ng sakit na nakakahawa...o kaya naman "unwanted pregnancy" basta kung lahat ay gagawin na lang "OnLine"...Mas makakatipid nga tayo at mas ligtas. Sa totoo lang napilitan lang akong gumawa ng Facebook dahil sa mga kamag-anak ko at hindi rin ako marunong mag-Facebook...E ANO NGAYON? Minsan sinubukan kong maglaro sa Facebook, nagsimula ako ng mga alas otso ng umaga (8AM) at nagulat na lang ako at natapos ako ng alas-siete (7PM) ng gabi, langya daig ko pa ang tumambay sa kanto at nakipagtagayan sa mga sunog-baga... ayoko ng ganun, dahil kung laro rin lang ang paguusapan... ibang klasing laro ang nasa utak ko. hahaha.
Pero sa totoo lang ang tanging silbi sakin ng Facebook ay ang maging "SEARCH ENGINE". Oo siya ang ginagamit ko para hanapin ang lahat ng taong gusto kong makita...mga taong may mga atraso sa akin...mga taong may malaking pagkaka-utang sa akin...yun dati kong kaklase na dumura sa ulo ng katabi ko... yun dati kong manliligaw na ngayon ay milyonaryo na...yun dati kong kaibigan na nagnakaw ng polboron ko sa "Frigider"... yun dati kong kaibigan na nagsabi sa akin "nickie balang araw magiging "L" ka rin...yun dati kong kaibigan na sumakabilang buhay na...yun dati kong kaibigan na sumakabilang bahay na...mga taong naghahanap sakin at inaalam kung nag-asawa na ko...mga taong di makatulog kakaisip sa akin...hahaha at mga taong nasira ang buhay dahil sa akin...ect. Sana sa susunod iba naman ang makasalamuha kong tanong...
Friday, January 8, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)
No comments:
Post a Comment